Sanggol pinapak ng baboy

KAHINDIKHINDIK ang sinapit ng bagong silang na sanggol na sinibasib ng alagang baboy sa Sultan Kudarat.


Ayon sa ulat, wakwak ang dibdib ng babaeng sanggol at nilalangaw na nang matagpuan ng mga residente ng Brgy. Babalik.


Napag-alaman na inabandona ang baby sa isang halamanan sa lugar kung saan may nakataling baboy.


Naniniwala ang pulisya na maaaring patay na ang sanggol nang iwan ito ng magulang.


Sinabi ng mga residente na wala silang narinig na iyak bago nila natagpuan ang sanggol.


Agad namang inilibing ng mga otoridad ang baby.


Inaalam pa ng pulisya ang pagkakakilanlan sa mga magulang ng bata.