Rider umihi, itinumba




DEAD on the spot ang lalaking tinadtad ng bala habang umiihi sa Matanao, Davao del Sur nitong Martes.


Nagtamo ng mga tama sa ulo at katawan si Raymond Samling, 31, ng Brgy. Colonsabac, Matanao.


Inaalam pa ng pulisya ang motibo sa pagpatay, pero naniniwala ang mga imbestigador na hindi itinumba ang biktima dahil lamang sa pag-ihi.


Sakay ng motorsiklo si Samling nang huminto ito sa Purok Bird of Paradise alas-9 ng gabi.


Umiihi ang biktima sa gilid ng daan nang lapitan ito ng dalawang suspek at pagbabarilin.


Nang masigurong hindi na mabubuhay ang biktima, tumakas ang mga salarin.
Narekober sa pinangyarihan ang mga basyo ng bala ng kalibre .45 at .9 mm.