HINDI umano nagtatago ang wanted na si Pastor Apollo Quiboloy, ayon sa kanyang abogado na si Ferdinand Topacio.
Sa katunayan, dagdag ni Topacio sa panayam sa kanya nitong Linggo, na nasa Davao City lamang si Quiboloy.
Una nang idineklara ng Federal Bureau of Investigation (FBI) bilang wanted sa kasong sex trafficking sa Estados Unidos ang founder ng Kingdom of Jesus Christ, the Name Above Every Name.
Ayon kay Topacio, malinaw na ang pagsasama kay Quiboloy sa wanted list ay naglalayon lamang na ipahiya ito.
“There’s no need to ask the public for information regarding Pastor Quiboloy’s whereabouts because he is not in hiding. One must be hiding under a rock not to know where the pastor is,” ayon sa abogado.
Sa kabila nito, hindi naman sang-ayon si Topacio na dapat sumuko si Quiboloy sa Estados Unidos at kaharapin ang kaso.
Hihintayin na lamang anya nila ang extradition process.
“Everyone knows there’s a process for extradition. I think the release of the poster is merely designed to humiliate and embarrass the pastor. This is a very despicable act,” giit pa nito.