Pulis nanghuli ng curfew violator, grinipuhan

TINADTAD ng saksak ang pulis ng lalaki na hinuli niya dahil sa paglabag sa curfew hours sa Monkayo, Davao de Oro nitong Linggo.


Nagpapagaling sa pagamutan ang pulis na si Jerry Rabe, 27, dahil sa mga tinamong pinsala sa katawan.


Agad namang nadakip ang suspek na si DeJun Melindo, 29, ng Brgy. Poblacion.
Ayon sa ulat, sinita ni Rabe si Melindo dahil madaling araw na ay gumagala pa rin ito.


Nagkasagutan ang dalawa hanggang bumunot ng patalim ang suspek at inundayan ng mga saksak ang alagad ng batas.


Tumakas ang suspek matapos ang krimen pero nadakip siya sa bahay ng ina. Inihahanda na ang mga kaso laban sa kanya.