Prosecutor binaril, patay sa Cavite

PATAY ang deputy prosecutor ng Trece Martires City sa Cavite matapos siyang barilin ng hindi pa nakikilalang lalaki sa labas ng kanyang bahay, Biyernes ng umaga.

Kinilala ang nasawi na si Edilbert Mendoza, 48, na nasawi sanhi ng tama ng bala sa ulo, base sa ulat ng pulisya.

Binaril si Mendoza sa labas ng kanyang bahay sa Elysian Field Subidvision, barangay Cabuco, Trece Martires City, alas 7:38 ng umaga, habang nag-eehersisyo.

Nakita sa CCTTV ang suspek na nakasuot ng dark blue na jacket, puting cap, face mask at sakay ng motorsiklo.

Inaalam pa ng mga otoridad ang motibo ng asasinasyon.