SINABI ng Department of Agriculture (DA) nitong Biyernes na umabot na sa P583.45 milyon ang pinsala sa agricultural ng Tropical Depression Maymay at Tropical Depression Neneng.
Sa pinakahuling bulletin Biyernes, Oktubre 21, idinagdag ng DA na ang mga palayan ang higit na naapektuhan ng mga bagyo matapos umabot sa P500.1 milyon o 35,611 metric tons ang nasira sa kabuuang 20,332 ektarya.
“Losses have been reported in Cordillera Administrative Region (CAR), Ilocos Region, and Cagayan Valley amounting to P583.45 million affecting 21,324 farmers and fishers, with volume of production loss at 36,872 metric tons and 21,986 hectares of agricultural areas,” sabi ng DA.
Idinagdag ng DA na apektado rin ang mga taniman ng mais, high value crops, babuyan, manukan at palaisdaan.
Magkasunod na naminsala sina ‘Maymay’ at ‘Neneng’ sa loob lamang ng isang linggo kung saan apektado ang magkakaparehong lugar sa CAR, Ilocos Region at Cagayan Valley.