UMABOT na sa P141.38 milyon ang pinsalang naidulot ng pananalasa ng super typhoon “Karding” sa agrikultura sa Luzon.
Base sa pinakahuling ulat ng Department of Agriculture, kabilang sa mga napinsala ay 16,229 ektarya ng mga taniman mula sa iba’t ibang rehiyon sa Luzon.
“Based on initial assessment, damage and losses have been reported in Cordillera Administrative Region (CAR), Ilocos Region, Central Luzon and CALABARZON amounting to P141.38 million (M) affecting 740 farmers, with volume of production loss at 5,886 metric tons (MT) and 16,229 hectares of agricultural areas,” sabi ng DA.
Idinagdag ng DA na kabilang sa mga apektado ni ‘Karding” ay aang mga palayan, mais at high value crops.