UMABOT na sa 167 ang nasawi habang 110 pa ang nawawala dahil sa Tropical Storm Agaton, ayon sa report ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) ngayon Sabado de Gloria.
Sa tala, may 151 ang nasawi sa Samar at Leyte sa Eastern Visayas habang 11 mula sa Western Visayas, tatlo sa Davao region at dalawa sa Central Visayas.
Samantala, may 104 ang patuloy na nawawala sa Eastern Visayas, lima sa Western Visayas at isa sa Davao region.
Sinabi rin ng NDRRMC, nanatiling baha sa bayan ng Sigma sa lalawigan ng Capiz, tatlong araw matapos ang pananalasa ng bagyo. Ayon sa mga residente, ito na umano ang pinakagrabeng pagbaha na kanilang naranasan.