Para ‘di ma-distract pag-aaral ng estudyante, videoke ibabawal muli sa Cebu City

MULING ipatutupad ng pulisya sa Cebu City ang ban sa pagbi-videoke upang hindi umano maabala ang online classes ng mga kabataan.


Maging ang pagpapatugtog nang malakas kapag araw ay bawal na rin dahil kailangang tumutok ng mga mag-aaral sa klase.


Ayon kay Lt. Col. Wilbert Parilla, deputy director for operations, ang muling pagpapatupad ng ban ay alinsunod sa Oplan; Ligtas Balik Eskwela ng Philippine National Police.


Sa mga susunod na araw ay sisimulan na nila ang information dissemination sa tulong ng barangay upang bigyang babala ang publiko na maaari silang dakpin sa paglabag sa ban, dagdag ng opisyal
Nagsimula nitong Lunes ang klase sa public schools.