IPINAUUBAYA na ng Malacanang sa Department of Justice ang dapat na maging aksyon sa ipinalabas na wanted poster ng Federal Bureau of Investigation (FBI) laban kay Pastor Apolloy Quiboloy.
“Nagsalita na po si Secretary Menardo Guevarra ng Department of Justice tungkol po diyan,” ayon kay acting Presidential Spokesman Karlo Nograles.
Idinagdag ni Nograles na tiniyak ni Guevarra na handang magpalabas ng motu propio lookout bulletin ang DOJ laban kay Quiboloy.
“Ang sinabi po ni Sec. Menard is, and I quote: ‘We can issue an immigration lookout bulletin order motu propio. Urgency is the key factor. We’ll play it by ear as we examine the evidence before us and as outside events unfold’,” ayon pa kay Nograles.