‘Pag hindi nagparamdam ng 2 linggo: Taal Volcano ibababa sa Alert Level 2

TAAL QUAKES

POSIBLENG ibaba ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) sa Alert level 2 ang Taal Volcano kung walang pagsabog na maitatala sa susunod na dalawang linggo.

Sa ngayon ay mananatili itong nasa ilalim ng Alert Level 3, ayon kay Phivolcs Undersecretary Renato Solidum.

“If it continues to subside starting today and there are no more explosions, we can downgrade the alert level within two weeks,” dagdag pa niya.

Itinaas ng Phivolcs ang status ng Taal Volcano sa Alert Level 3 nitong Sabado matapos ang phreatomagmatic eruption. Nangangahulugan iyon na mayroong “magmatic intrusion sa bulkan na maaaring higit pang magdulot ng mga susunod na pagsabog.”