Padre de pamilya nalunod sa Father’s Day picnic

TRAHEDYA ang kinahinatnan ng masaya sana na pagdiriwang ng Father’s Day nitong Linggo nang malunod ang isang padre de pamilya sa lawa sa Tapaz, Capiz.


Kinilala ng pulisya ang biktima na si Jonathan Galo, 55, ng Brgy. Candelaria, Tapaz.


Ayon sa ulat, nagtungo si Galo at mga kaanak sa Marugo Lake para i-celebrate ang Father’s Day.


Habang nagsu-swimming ay nagdesisyon ang magkakamag-anak na sumakay ng bangka.


Habang nasa gitna ng lawa ay tumaob ang bangka at nahulog sa tubig ang mga sakay.
Hindi umano marunong lumangoy ang biktima kaya nalunod ito.


Ayon sa ulat, inabot ng isang oras bago natagpuan ang katawan ng biktima.