TINATAYANG P5 milyong halaga ng marijuana bricks ang nasamsam ng otoridad sa tatlong suspek sa isinagawang operasyon sa barangay San Nicolas, Tarlac City Linggo ng umaga.
Dinampot ng pulisya ang tatlong suspek na nakiklalang sina Cornelio Chumil-ang, 33; Jomar Pallar at Marcelino Caraowa, 40, mga residente ng Mountain Province.
Nakuha mula sa tatlo ng 24 bricks ng pinatuyong marijuana, 26 nakarolyong marijuna na nagkakahalaga ng P5 milyon.
Bukod dito nakuhanan din ang mga suspek ng dalawang bote ng canabis oil at marked money; cellphone, Toyota Hi Ace van na may plakang ZRL111; at Isuzu mini dumptruck na may plakang XAT765 na siyang ginamit diumano para sa pag-transport ng kontrabando.
Sinasabi na ang mga suspek ay kabilang sa grupong naaresto noong Pebrero sa Concepcion, Tarlac, na nakuhanan naman ng mahigit P22 milyong halaga ng marijuana.