INIULAT ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) ang nangyaring fish kill sa Agoncillo, Batangas kung saan 29 toneladang tilapia na nagkakahalaga ng P3.2 milyon ang apektado.
Sa isang panayam sa DZBB, sinabi ni BFAR IV-1 Director Sammy Malvas na dulot ng mababang oxygen level ang sanhi ng fish kill sa Agoncillo at iba pang bayan sa Batangas gaya ng Laurel at Talisay.
“Nag-conduct po kami ng water quality, nakita naming na medyo mababa ang dissolved oxygen level doon sa mga sampling sites na kinuhaan natin sa Agoncillo, ganun din sa Laurel, ganun din sa Talisay,” sabi ni Malvas.
Tiniyak naman ni Malvas na hindi apektado ang suplay ng tilapia, sa pagsasabing maliit na porsiyento lamang ito.
“Actually, hindi namin siya kino-consider na fish kill, mortality lang, kasi maliit lang ang volume,” aniya.