UMABOT na sa P178 milyon ang pinsalang idinulot sa agrikultura at inprastraktura ng typhoon Neneng nang salantain nito ang Ilocos Norte.
Ayon kay Ilocos Norte Governor, sa pagtaya ng Provincial Disaster Risk Reduction Management and Resiliency Council (PDRRMC), umabot sa P82 milyon ang nawala sa agrikultura at P95 milyon naman ang napinsala sa imprastruktura sa lalawigan.
Bukod dito, 111 barangay ang apektado ng bagyo sa 15 syudad at munisipalidad ng probinsiya na binubuo ng 4,300 pamilya na may katumbas na 17,000 indibidwal.
Isang 70-anyos na lalaki na una namang naiulat na nawawala ang natagpuang patay nitong Martes, habang tatlo ang naiulat na nasugatan.
Samantala, umabot na sa 1,200 food packs na nagkakahalaga ng P1 milyon ang naipamahagi sa mga komunidad na matinding tinamaan ng bagyo.