NANGAKO ang National Housing Authority (NHA) na maglalaan ng P100 milyon para sa pagtatayo ng pabahay sa mga nasalanta ng Bagyong Odette sa Dinagat Islands.
Ito’y matapos na personal na binisita ni Pangulong Duterte ang mga evacuees sa Dinagat Islands ilang araw matapos ang pananalasa ng bagyo.
“The National Housing Authority will provide housing assistance worth P100 million to typhoon victims in Dinagat Islands whose houses were partially and totally damaged,” sabi ni Acting Presidential Spokesperson Karlo Nograles.
Idinagdag ni Nograles na inatasan din ni Duterte ang Department of Energy na tiyakin ang pagdedeliber ng produktong petrolyo sa Dinagat Islands.
“The Department of Social Welfare and Development (DSWD) will provide financial assistance to the families affected by Typhoon Odette…The Department of the Interior and Local Government will monitor and supervise the distribution of the aforesaid financial assistance,” dagdag ni Nograles.