NAG-RESIGN sa kanyang pwesto bilang alkalde ng bayan ng Pulupandan sa Negros Occidental si Lorenzo Eduardo Mario Antonio Suatengco.
Sa kanyang resignation letter kay Negros Occidental Governor Eugenio Jose Lacson, nagbitiw siya dahil sa “unforeseen health reasons” na maaari anyang makaapekto sa kanyang paggampan bilang alkalde ng Pulupandan.
Ayon naman kay Lacson, tinanggap na niya ang resignation ng alkalde, at epektibo na ito agad.
Ipinadala na rin ang kopya ng resignation letter sa tnaggapan ni Roselyn Quintana, provincial director ng Department of the Interior and Local Government.
Pinalitan ni Suatengco ang kanyang ama na si Antonio, na namatay noong Pebrero 27.
Si Suatengco ay pinalitan ng kanyang pinsan na si Vice Mayor Miguel Antonio Peña, na nanumpa sa kanyang tungkulin kahapon.
Si Konsehal Anthony Gerard Suatengco ang pumuwesto bilang bise alkalde.