TINIYAK ni Pangulong Bongbong Marcos ang kahandaan ng pamahalaan sa harap ng banta ng Tropical Depression Neneng na inaasahang makaaapekto sa Northern Luzon.
“So nakabantay kami nang mabuti. But once again, I think the key to all of these is to watch it very closely because may bagong feature ang mga bagyo ngayon,” sabi ni Marcos.
Idinagdag ni Marcos na dapat ay natuto na ang mga kaukulang ahensiya matapos ang pananalasa ng super typhoon Karding.
“Mabilis mag-develop kaya kailangan nakabantay tayo nang husto. So that’s what we are doing,” dagdag ni Marcos.
“Neneng now, I think, unfortunately, looks a little stronger. It looks a little stronger than the previous one at doon mas northern ang kanyang track,” dagdag ni Marcos.
Inaasahang 10,000 indibidwal ang maaapektuhan ng Tropical Depression Neneng.