Maling bangkay pinaglamayan sa Capiz

NAKATAKDANG kasuhan ng pamilya sa Pilar, Capiz ang punerarya na ibang katawan ang ibinigay sa kanila.


Ayon sa ulat, tatlong araw nang pinaglalamayan ang bangkay nang mapansin ng mag-anak na iba ang itsura nito sa namatay nilang kapamilya.


Nagdesisyon silang puntahan ang punerarya at doon ay nadiskubre nila na naroroon pa ang katawan ng kanilang patay.


Napag-alaman din nila na taga-Iloilo ang bangkay na ilang araw na nilang iniiyakan.


Agad namang pinalitan ng funeral parlor ang bangkay.


Kahapon ay nailibing na ng pamilya ang yumao nilang kaanak.


Pero ayon sa kanila kailangan panagutin ang punerarya sa pagkakamali nito.