Magsasaka tinodas ng sariling anak

PATAY ang magsasaka nang barilin sa ulo ng kanyang anak sa Santiago City, Isabela.


Dead on the spot ang padre de pamilya habang tumakas at nagtago ang suspek. Ayon sa ulat, umuwi ng bahay ang 28-anyos na suspek mula sa inuman Lunes ng gabi at walang sabi-sabing pinaputukan ang ama.


Agad na nasawi ang 59-anyos na biktima dahil sa tinamong sugat sa ulo.


Hindi naman masabi ng mga kapamilya kung ano ang nagtulak sa suspek na patayin ang ama.
Tinutugis na ng pulisya ang suspek