Magsasaka tinadtad ng bala, pinugutan

PINAGBABARIL na ay pinugutan pa ang isang magsasaka sa Gandara, Samar.


Natagpuan ang katawan ng biktimang si Christopher Wahingon nitong Huwebes dalawang araw makaraan itong iulat na nawawala.


Napag-alaman na dumating ang mga armadong kalalakihan sa lupang sinasaka ni Wahingon noong Martes.
Nang umalis ang mga armado ay nawawala na rin ang biktima.


Inaalam pa ng otoridad ang pagkakakilanlan ng mga suspek at motibo sa pamamaslang.