Magnitude 6.7 quake yumanig sa Abra

NIYANIG ng magnitude 6.7 na lindol ang Abra Martes ng gabi, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Naitala ang epicente nito 7 kilometro ng timogkanluran ng Tineg, Abra. Ang Tineg ay 86 kilometro ang layo mula sa bayan ng Bangued na nakaramdam naman ng Intensity IV.

Naganap ang paglindol alas-10:59 na may lalim na 28 kilometro. Tectonic ang origin nang nasabing pag-uga.

Alas-11:12 ng gabi nang makaramdam naman ng aftershock na naitala ang magnitude sa 3.1.

Naramdaman ang Intensity V sa Sinait, Ilocos Sur; habang Intensity IV naman sa Baguio City.

Instrumental intensities ay naramdaman naman sa mga sumusunod na lugar:

Intensity V
Gonzaga
Peñablanca, at Claveria sa Cagayan;
Pasuquin sa Laoag City, Ilocos Norte;
Vigan City sa Ilocos Sur

Intensity IV
Bangued sa Abra

Intensity III
Baler sa Aurora
Ilagan in Isabela

Intensity II
Bayombong sa Nueva Vizcaya,
Urdaneta at Dagupan sa Pangasinan,
Madella sa Quirino

Intensity I
Dinalupihan saBataan;
Bulakan, Calumpit, Malolos, at Plaridel sa Bulacan;
Pasig at Navotas sa Metro Manila;
Cabanatuan at San Jose sa Nueva Ecija;
Guagua sa Pampanga;
Umingan, Sison, Bolinao, Infanta, at Bani sa Pangasinan;
Polillo, Mauban, at Infanta sa Quezon;
Tanay at Taytay sa Rizal;
Ramos sa Tarlac; at
Iba sa Zambales

Wala namang inaasahan na nasalanta, bagamat binalaan ang publiko na maging handa sa mga aftershock.