MATINDING pinsala ang tinamo ng Aglipayan Church o Iglesia Filipina Independiente (IFI) sa Abra matapos yumanig ang 6.7 magnitude na lindol sa maraming bahagi ng Northern Luzon Martes ng gabi.
Isa ang Nuestra Señora de La Paz sa Poblacion, La Paz, Abra, sa pinakamatandang Agalipayan Church, at sinasabing ito ang pinakamaganda sa buong bansa.
Itinayo ang nasabing simbahan noong 1880, ilang taon pa bago tuluyang humiwalay ang Simbahang Aglipay sa Simbahang Katoliko noong 1902.
Nilindol ang maraming bahagi ng Northern Luzon alas-10:59 ng gabi.
Matatandaan na noong Hulyo ay niyanig din ang probinsiya ng magnitude 7 lindol, at nakapagtala ng maraming pinsala sa mga istraktura.