INUGA ng magnitude 5.6 na lindol ang Manay, Davao Oriental alas-3:19 ng umaga ngayong Miyerkules, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).
Sinabi ng Phivolcs na naitala ang lindol na may lalim na 20 kilometro, 51 kilometro silangan ng Manay, Davao Oriental.
Naitala ang Intensity 4 sa Manay, Tarragona, at Caraga, Davao Oriental.
Idinagdag ng Phivolcs na naramdaman naman ang intensity 3 sa Mati City at Baganga, Davao Oriental at intensity 1 sa Davao City.
Wala naman pinsalang naitala, bagamat inaasahan ang mga aftershock.