NIYANIG ng magnitude 5.3 lindol ang Camarines Norte alas-5:57 ng umaga ng Martes, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).
Sinabi ng Phivolcs na naitala ang lindol, na may lalim na 10 kilometro, walong kilometro katimugan ng Tinaga Island, Vinzons, Camatines Norte.
Naramdaman ang Intensity V sa Daet, Camarines Norte; Intensity III sa Jose Panganiban, Camarines Norte; Ragay, Iriga City, Camarines Sur; San Roque, Northern Samar; Intensity II sa Pili, Pasacao, Camarines Sur; Infanta, Gumaca, Mauban, Guinayangan, Mulanay, Alabat, Quezon at Intensity I sa Pulilan, Bulacan; Pasig City, Marikina City, Metro Manila; Calauag, Quezon; at Taytay, Rizal.
Idinagdag ng Phivolcs na inaasahan ang pinsala at aftershocks dulot ng lindol.