NARAMDAMAN ang magnitude 4.9 sa Davao Occidental alas-5:03 ng umaga, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).
Sinabi ng Phivolcs na naitala ang pagyanig, na may lalim na 143 kilometro, 228 kilometro katimugan ng Sarangani Island, Sarangani, Davao Occidental.
Wala namang inaasahang pinsala o aftershock dulot ng lindol.