NAGPAKAWALA na ng tubig sa Magat Dam sa Isabela at Binga Dam sa Benguet sa gitna ng patuloy na pag-ulan dala ng bagyong Florita.
Sa isang abiso ng National Irrigation Administration-Magat River Integrated Irrigation System (NIA-MARIIS), nagpapakawala na ng tubig mula sa reservoir ng 554 cubic meters per second (cms).
Alas-5 ng umaga ngayong Martes, nakabukas ang spillway gate ng 84 cms.
Umabot na ang lebel ng Magat sa 186.62 metro, 3.3 metro na mas mababa sa spilling level nito na 190 metro.
Samantala, 92.61 cms naman ang pinapakawalan na tubig sa Binga Dam.
Sa kasalukutan, nasa 574.16 metro na ang lebel ng Binga, wala nang isang metro sa normal high-water level na 575 metro.