Mag-utol natodas sa balon

PATAY ang magkapatid nang maubusan umano ng hangin habang naglilinis ng balon sa Bacnotan, La Union nitong Sabado.


Kinilala ang mga nasawi na sina Freddie at Federico Espiloy.


Ayon sa ulat, unang bumaba sa 66-talampakang balon si Freddie para maglinis.


Makaraan ang ilang minuto ay nagsisigaw ito dahil nahirapan umanong huminga.


Agad-agad namang bumaba ng balon ang kuya niya pero maging ito ay kinapos din ng hangin.


Kapwa may dalang compressor ang magkapatid pero pumalya umano ang mga ito.


Nadala pa sa ospital ang magkuya pero hindi na naisalba ng mga manggamot ang kanilang buhay.