Mag-asawa sabay namatay sa sakit

NATAGPUANG walang buhay ang mag-asawa na kapwa dumaranas ng karamdaman sa Bacolod City nitong Huwebes.


Nadiskubre ng isang kamag-anak ang bangkay nina Rene at Jane Ateles sa bahay ng mga ito sa Hermelinda Homes, Brgy. Mansilingan.


Ayon sa pamangkin ng mag-asawa na si Mark Ryan, nagpunta siya sa bahay ng mag-asawa para maghatid ng pagkain alas-10 ng umaga.


Nang walang magbukas ng pinto ay nagsuspetsa ang pamangkin kaya humingi siya ng tulong sa mga tanod.


Matapos pwersahang buksan ang pinto ay bumulaga sa kanila ang walang buhay na katawan ng mag-asawa.


Sinabi ng mga kamag-anak na may sakit si Rene sa kidney habang kagagaling lang sa kanser ni Jane.