NASAWI ang magsasaka at kanyang anak makaraan silang tamaan ng kidlat sa Catanauan, Quezon nitong Huwebes ng gabi, ayon sa pulisya.
Napag-alaman na nagpapahinga si Jomar Funtilar at anak na si Jona sa kanilang tahanan sa Brgy. Tagbacan Ilaya alas-7 nang kidlatan ang kubo.
Kapwa dead on the spot ang mga biktima dahil sa tinamong sunog sa katawan.
Nadiskubre ng asawa ni Funtilar ang walang-buhay na katawan ng kanyang mag-ama nang dumating ito mula sa labas.
Mag-ama kinidlatan, sawi
