LGBTQ na Muslim kinalbo sa Maguindanao


INULAN ng magkahalong batikos at papuri ang ginawang pagkakalbo sa mga kabataang miyembro ng LGBT community sa Ampatuan, Maguindanao nitong Miyerkules.


Ayon kay King Mangudadatu, board member, maaaring makasuhan ng diskriminasyon ang nasa likod ng pagkakalbo sa mga bata.


“Hindi nila dapat ginawa ito dahil mas lalong magrerebelde ang mga bata at mas lalong hindi sila susunod. Meron tayong batas na bawal ang magkaroon ng diskriminasyon,” giit ni Mangundadatu.


Maraming netizen naman ang pumuri sa ginawa ng mga Muslim elders sa mga bata.


“Kaya kung ano anong salot ang dumarating sa mundo kasi nagagalit ang Diyos. Karumaldumal,” ayon sa isang Adrian Ailes.


“Buti nga kinalbo lang ang ginawa sa inyo at hindi kayo tinapon sa pinakatuktok ng bundok,’ hirit naman ni Shaikh Jamalia.
“Wow! Saludo ako sa Maguindanao.

Korek yan dahil salot lang sila sa lipunan,” komento ni Raymundo Ardana.


Paliwanag ng isang opisyal na Muslim,
mahigpit na ipinagbabawal sa paniniwalang Islam ang pagiging miyembro ng LGBT community.


Idinagdag niya na pawang mga Muslim lang na LGBT ang ginupitan. –A. Mae Rodriguez