NANINIWALA ang pulisya na galit sa mga LGBTQ members ang nasa likod ng pambobomba sa covered court sa Dati Piang, Maguindao nitong Sabado.
Walo katao ang nasugatan nang sumabog ang isang improvised bomb sa kasagsagan ng volleyball tournament sa plaza.
Isa ang nananatiling nasa kritikal na kondisyon sa ospital habang ang iba ay nagtamo lamang ng mga galos.
Napag-alaman na pawang mga miyembro ng LGBTQ community ang mga biktima.
Sa pagsisiyasat ay napag-alaman na bago ang insidente ay nakatanggap ng death threats ang mga biktima.
“We found out na itong mga kabataan na miyembro ng LGBT sa Datu Piang ay naka-receive ng death threats from BIFF (Bangsamoro Islamic Freedom Fighters)-Karialan faction,” ani 6th Infantry Division spokesman Lt. Col. John Paul Baldomar.
“Binabantaan na sasaktan sila ng nasabing grupo kung hindi nila ide-denounce yung kanilang affiliation sa LGBT,” dagdag ng opisyal.
Tinutugis na ng mga otoridad ang mga nasa likod ng pambobomba.