NIYANIG ng 4.9 magnitude na lindol ang maraming bahagi ng Leyte at Biliran Huwebes ng hapon.
Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) naganap ang pag-uga alas 3:23 ng hapon at naitala ang epicenter sa bayan ng Naval sa Biliran.
May lalim ang lindol ng 6 kilometro, at naramdaman ang Intensity 3 sa Ormoc City at mga bayan ng Carigara, Isabel, Calubian at Kananga sa lalawigan ng Leyte.
Intensity 2 naman ang naitala sa bayan ng Palo at Jaro sa Leyte habang Intensity 1 naman sa Abuyog, Leyte, at Catbalogan City, Samar.
Tectonic ang origin ng lindol at di inaasahang magdulot ng pagkasira.