NANAWGAN si Pangulong Duterte sa korte na huwag pigilan ang ipinatutupad na quarantine protocol sa bansa matapos maghain ang isang abogado laban dito.
“So the courts are put on notice that what we have here is a national emergency. That’s why we came up with a proclamation declaring this pandemic is of national interest,” sabi ni Duterte.
Matatandaang nakipagpulong si Cebu Governor kay Duterte para iapela na payagan ang lalawigan na magsagawa ng sarili nitong protocol, bagamat ibinasura ito ng huli.
“So ‘yong mga korte, hindi naman sabihin huwag na lang ninyo ipalabas kasi magkakaroon tayo ng ano diyan impasse. And I do not want to lock horns with the judiciary, I said, nirerespeto ko,” aniya.
“But there are times that, you know, may panahon na — there is always a time that the courts can function normally and maybe grant injunctions and all. But this time, I said, they are put on notice that hindi ako magpipigil. I will not obey the courts in a matter now of management the pandemic,” ayon pa kay Duterte.