Kelot pinalakol ng pinsan, dedbol




DEAD on the spot ang lalaki nang palakulin siya ng kanyang pinsan sa Dingle, Iloilo nitong Sabado ng gabi, ayon sa pulisya.


Natutulog sa loob ng kanyang bahay sa Brgy. Abangay si Dennis Jayme, 48, nang pumasok ang suspek.


Walang sabi-sabi umanong pinalakol sa dibdib ng suspek ang biktima saka tumakas.


Nasaksihan ng ilang kaanak ang pangyayari kaya itinakbo nila sa ospital ang biktima. Hindi naman ito umabot nang buhay sa pagamutan.


Natunton ng pulisya ang pinagtataguan ng suspek at agad itong dinakip.

Nahaharap siya sa kasong murder.


Hindi naman sinabi sa ulat kung ano ang nagtulak sa suspek para brutal na patayin ang kanyang pinsan.