IBINASURA ng Bayugan City Regional Trial Court Branch 7 ang kasong kidnapping at illegal detention na isinampa laban sa community doctor at activist na si Dr. Natividad Castro.
Sa resoluyon na nilagdaan ni Acting Presiding Judge Fernando Fudalan Jr noong March 25, ibinasura ang kaso laban sa doktor dahil sa paglabag sa due process at kakulangan ng ebidensya para magpalabas ng warrant of arrest.
Dahil dito, iniutos ni Fudalan na pakawalan agad ang doktor, na dumating sa Metro Manila nitong Miyerkules. Mahigit isang buwan ding nadetine si Castro sa Agusan del Sur.
“Issuance of subpoena directing the respondent to submit evidence is the most important aspect of the preliminary investigation that safeguards the right to due process. No amount of reason, like what the prosecution raised that respondent is an NPA member and ha(s) no permanent address, would ever justify its non-issuance,” ayon sa ruling ng korte.
Sa isang kalatas, sinabi ng National Police na si Castro ay isang mataas na opisyal ng Communist Party of the Philippines central committee at pinuno ng CPP-NPA’s national health bureau na nakabase sa Butuan City
Itinanggi naman ito ng kanyang pamilya at iginiit na naglilingkod lamang ito bilang doktor sa kanayunan.