PATULOY ang pagpaparamdam ng bulkang Kanlaon sa Negros matapos itong makapagtala ng 21 volcanic earthquakes sa nakalipas na 24 oras, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) ngayong Lunes.
Sa 5 am. bulletin ng Phivolcs, mananatili pa rin ang Alert Level 1 sa bulkan.
Nagbuga ang Kanlaon ng 151 tonelada ng sulfur dioxide noong Mayo 1 at bahagyang lumaki ang edipisyo nito, ayon sa PHIVOLCS.
Ayon pa si Phivolcs, bawal pa rin ang pagpapalipadng anumang sasakyang panghimpapawid na malapit sa bulkan at hindi pa rin maaaring pumasok sa 4-kilometer radius permanent danger zone (PDZ).
Nagbabala rin ang ahensiya sa posibleng biglaang steam-driven o phreatic eruptions batay sa aktibidad ng bulkan..