Joel Nuezca guilty; nahatulong makulong for life

GUILTY ang hatol ng Tarlac regional trial court sa dating pulis na si Jonel Nuezca na pumatay sa mag-inang Sonia at Frank Anthony Gregorio noong nakaraang taon sa Paniqui, Tarlac.

Ayon sa PNP, hinatulan na mabilanggo si Nuezca ng double life sentence dahil napatunayang siya ay guilty “beyond reasonable doubt” sa pagpatay sa mag-ina noong Disyembre 20.

Nakunan ng video ang pamamaril ni Nuezca sa mga biktima. Lalo pa itong naging viral nang pinatay ng dating pulis ang mag-ina sa harap ng anak na babae ng dating pulis.

Inutusan din ng korte ang sinibak na pulis na bayaran ang pamilya ng biktima ng P952,560 bilang danyos.