INUGA ng magnitude 5.9 na lindol ang northern Luzon alas 2:54 ng madaling araw Miyerkules.
Naitala ang pagyanig apat na kilometro hilaga-kanluran ng Bangui, Ilocos Norte.
Tectonic ang origin nito na may lalim na 10 kilometro, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs)
Naitala ang Intensity VI (very strong) sa Sinait, Ilocos Sur.
Binalaan ang mga residente na mag-ingat dahil posible ang aftershocks.