UNTI-UNTI nang nanunumbalik ang kuryente sa ilang bahagi ng Negros Oriental nitong Lunes, apat na araw matapos hagupitin ng bagyong “Odette” ang lalawigan.
May kuryente na rin ilang bahagi ng Lungsod ng Dumaguete gayundin ang mga bayan ng Sibulan, Bacong, Vaiencia, Dauin, at San Jose.
Sinabi ni Fe Marie Dicen-Tagle, general manager ng Negros Oriental Electric Cooperative (NORECO) na inaayos na nito ang ilang suplay ng kuryente ngunit patuloy pa ring hinihintay ang National Grid Corp. of the Philippines na ibalik ang suplay ng kuryente sa iba pang lugar.
“We are doubling our time in (repairing) the broken poles and lines, so we can restore power as soon as we can,” ayon kay Dicen-Tagle.
Sinabi rin niya na hirap ang mga itong ayusin ang iba pang linya ng kuryente dahil sa mga nakaharang sa daan dahil sa pinsalang dala ng bagyo.
“Local Government Units are still continuing their clearing operations…it’s hard for our teams to cross roads especially in highlands.”