Guro kinatay ng estudyante sa inuman

SINAKSAK at napatay ng 19-anyos na estudyante ang kainuman niyang senior high school teacher sa Basey, Samar nitong Lunes, ayon sa pulisya.

Dead on the spot si George Lauron, 32, isang Science teacher sa Basey National High School, dahil sa saksak sa dibdib.

Sumuko naman ang suspek na si Kurt Lancanan makaraan ang pagpatay.

Ayon sa pulisya, nag-iinuman ang dalawa sa boarding house ni Lauron nang magkainitan sila sa hindi malamang dahilan alas-2 ng madaling araw.

Sa gitna ng away, kumuha ng patalim ang estudyante ang sinaksak ang guro.

Lumutang sa presinto ang suspek makaraan ang isang oras. Tikom naman ang bibig nito sa motibo sa pagpatay.

Nahaharap siya sa kasong murder.