NANAWAGAN si Iloilo Rep. Janette Garin sa Department of Health(DOH) na ipamahagi sa mga barangay at evacuation center ang doxycycline drug sa harap naman ng pagdami ng kaso ng leptospirosis.
Ito’y matapos ang pananalasa ni ‘Paeng’ kung saan maraming lokal na pamahalaan ang nagsabi na hindi sila agad na makapagbigay ng doxycycline sa mga apektadong residente dahil ang supply nito ay kukunin pa sa DOH Regional Offices.
“Leptospirosis is a preventable disease pero ang nangyayari sa huli na yung prophylaxis na para sana sa prevention,” sabi ni Garin.
Nakukuha ang leptospirosis mula sa ihi ng daga.