SINABI ni National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) Executive Director Ricardo Jalad na ipatutupad ng lokal na pamahalaan ng Sorsogon ang force evacuation sakaling mangyari ang worst-case scenario sa Mt. Bulusan.
“Kung sakaling mangyari ang worst-case scenario ay i-evacuate nila ang buong munisipyo ng Irosin dahil malaki sa munisipyo ng Irosin ay nandoon mismo sa caldera ng Mount Bulusan. Ang mandatory or force evacuation ay mangyayari kapag itinaas na ang alert level ng Mount Bulusan to three or four,” sabi ni Jalad sa kanyang ulat sa Talk to the People kagabi.
Idinagdag ni Jalad na inihahanda na ang mga evacuation center sakaling pumutok ang Mt. Bulusan.
“Diyan sa Sorsogon, a total of 446 evacuation centers ang available, kasama na diyan ay mga eskuwelahan. Ito ‘yung — ‘yung 446 na evacuation centers ay nasa labas ng 9-kilometer danger zone. Iyan ang magagamit nila in the event na i-implement natin ‘yung forced or mandatory evacuations doon sa nasabing 9-kilometer radius,” dagdag ni Jalad.