MAGNITUDE 4.5 na lindol ang tumama sa Dinagat Islands Martes ng gabi, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).
Naitala ang epicenter ng pag-uga 25 kilometro ng timogsilangan ng Basilisa, Dinagat islands, na naganap alas 10:27 ng gabi. May lalim ang lindol ng 18 kilometro.
Ayon sa Phivolcs, naitala ang Intensity 1 sa Borongan City, Eastern Samar at Surigao City sa Surigao Del Norte.
Nagpaalala rin ang Phivolcs na posibleng magkaroon ng mga aftershocks,