DepEd iimbestigahan hazing death ng Grade 10

INIHAYAHAG ng Department of Education na iimbestigahan nito ang pagkamatay ng Grade 10 student dahil sa umano’y hazing.


Base sa kalatas ng Commission on Human Rights, naganap ang insidente sa San Enrique, Negros Occidental.


“The department will ensure that investigations will be carried out immediately. We enjoin our schools to take a more active role in the prevention of violence,” ayon sa DepEd na kinondena ang “violence perpetrated against learners.”


Iginiit ng DepEd na istrikto nitong ipinatutupad ang Anti-Hazing Act at tinukoy rin nito ang Department Order No. 7 S. 2006, na nagbabawal sa mga hazing at fraternities sa lahat ng pampublikong paaralan.


Napag-alaman na sumali sa fraternity ang biktima noong Marso pero hindi siya sumailalim sa initiation rites dahil menor de edad pa.


Namatay ang estudyante isang araw matapos siyang mag-18 at sumailalim sa hazing. Bago namatay sinabi nito na pinagpapalo siya ng paddle ng mga suspek.