NIYANIG ng magnitude 5.5 na lindol and Davao del Sur Lunes ng hapon, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).
Naitala ang lindol na ang epicenter ay 12 kilometro hilagang kanluran ng bayan ng Magsaysay, alas 4:23 ng hapon, at may lalim na 24 kilometro at tectonic ang origin.
Naramdaman ang Intensity V sa Kidapawan City; Davao City; Tupi at Polomolok sa South Cotabato; at Malungon, Sarangani; habang Intensity IV naman sa Sta. Cruz, Bansalan, Digos City, at Matanao sa Davao del Sur; Koronadal City; Tampakan, Norala, at Banga sa South Cotabato; Alabel, Sarangani; Lutayan, Columbio, Pres. Quirino, Senator Ninoy Aquino, Sultan Kudarat; Tulunan at M’lang, Cotabato.
Naitala naman ang Intensity III sa Cotabato City; Tantangan, Surallah, Kiamba, and Glan, Sarangani; Palimbang, Isulan, Tacurong, at Esperanza, Sultan Kudarat; Magpet, Arakan, Pigcawayan at President Roxas, Cotabato.
Intensity II naman sa Maasin, Sarangani.
Nagbabala naman ang Phivolcs na posibleng magkaroon ng aftershocks at maaring magdulot ng mga pagkasira sa mga imprastraktura at iba pa.