Dating university president kinatay

NATAGPUANG patay ang dating presidente ng University of Eastern Philippines sa Catarman, Northern Samar ngayong araw.


Dead on arrival sa ospital si Rolando Delorino na nagtamo ng tadtad ng taga sa katawan, ayon sa pulisya.


Base sa imbestigasyon, nagising ang anak ni Delorino dahil sa ingay at nakita niya ang ama na duguan at nakahandusay malapit sa pintuan ng kusina.


Inaalam pa ang nasa likod ng krimen at motibo sa pagpatay. –A. Mae Rodriguez