Dalagita ginulpi ng 6 sa plaza

PINAGTULUNGANG sabunutan ng anim na dalagita ang isang 14-anyos na kaaway sa gitna ng plaza ng Leon, Iloilo kamakailan.

Lalaki ang itinuturong dahilan umano ng away.

Sa video na nakunan ng netizen, makikita na unang nagsampalan at naghilahan ng buhok ang dalawa sa mga dalagita.

Sumugod ang isa pang menor de edad at nakisabunot.

Nang matumba ang kanilang kaaway ay dinumog ito ng apat na iba pa at sabay-sabay itong sinabunutan.

Hindi naman nagsampa ng reklamo ang biktima makaraang humingi ng tawad ang anim.

Pare-parehong isinailalim sa counseling ang mga sangkot.