HUMIHINGI ng tulong sa publiko ang 12-anyos na batang babae na dumaranas ng kakaibang paglaki ng dibdib.
Ayon sa dalagita na mula sa Puerto Princesa City, Palawan, sumasakit na ang kanyang likod at balikat dahil umabot na sa kanyang pusod ang kanyang dibdib at may bigat na itong 20 kilo.
Nahihirapan din umanong maglakad ang bata dahil wala pang limang talampakan ang kanyang taas.
Ikinuwento rin ng dalagita na wala nang magkasya sa kanyang bra dahil 40 DDD cup ang kanyang kailangan pero wala siyang mabili nito sa Puerto Princesa City.
Dahil sa dinaranas ay nagkukulong na lang umano siya sa bahay upang hindi tuksuhin.
Base sa ulat, mayroong juvenile gigantomastia ang dalagita o mabilis na paglaki ng laman sa dibdib.
Upang magtanggal ito, kailangang sumailalim ang bata sa breast reduction surgery o mastectomy kung saan aalisin lahat ng laman at lalagyan ng implants.
Nagkakahalaga ng hanggang P1 milyon ang operasyon.