INAPRUBAHAN ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board (RTWPB) ng Cordillera Administrative Region (CAR) ang dagdag P40 na sahod sa minimum wage earners sa rehiyon.
May dgadag na umentong P1,100 naman ang naghihintay sa mga household workers.
Ang bagong pay hike ay nakapaloob sa Wage Order CAR-23 na inilabas noong Nob. 13 at kamakailan lang inanunsyo at inilagay sa social media page ng Department of Labor and Employment (DOLE).
Dahil dito, magiging P470 na ang minimum wage sa mga manggagawa sa pribadong sektor na magiging epektibo simula sa Dis. 23.
Samantala, inilabas din ng RTWPB ang Wage Order CAR-DW-06, na nagbibigay ng dagdag na P1,100 na sahod sa mga kasambahay sa rehiyon.
Dahil dito, aakyat sa P6,000 ang buwanang sahod ng mga kasambahay mula sa kasalukuyang P4,900.